"Mga Hinanakit Sa Buhay"
Sa buhay ng tao maraming pagsubok ang dumating, nariyan ang makaranas na labis na kalungkutan, bumagsak sa negosyo. Apihin ng mga tao, laitin ng mmga kapwa, mawalan ng pera, husgahan at ang pinakamasaklap sa lahat ay yong layuan ng mga kaibigan, iniwan ng minamahal, mamatayan sa pamilya, papagalitan ng sariling mga magulang at dedmahin ng malalapit na tao. hindi ba mahirap at masakit kung maranasan mo ang lahat na iyon. Sino nga ba ang matutuwa kung ika'y iniwan o layuan ng mga minamahal. napakahirap, napakasakit, na kakapanlambot ng damdamin. Hindi mo mawari ang dahilan nila, hindi mo maunawaan kung bakit basta basta ka nalang nila nilayuan, samantalang wala ka naman ginagawangn masama. Wala kang ibang magawa kung umiyak at tanungin ang iyong sarili kung bakit nga ba. Minsan, may mga tao talagang hindi mo mapakiwari ang isipan. Nariyan sila sa iyong tabi ngunit hindi mo maramdaman ang kanilang presensya. Nariyan sila't kinakausap ka ngunit bigla ring mawawala....