Masakit na karanasan

 Sa buhay ng tao marami talagang mga pangyayari na hindi mo inaasahan na mangyari at maranasan mo ang mga iyon. Lahat ng tao sa mundo ay may karanasan. Mga karanasang nagdulot sa atin ng kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan.Habang tumatakbo ang panahon lahat ng mga karanasan natin ay nag iiwan ng ng marka sa ating buhay. Minsa ito ay masaya at minsan ay malungkot. Ano nga ba ang karanasang hindi natin malilimutan ? Ako marami na at hindi ko kayang i sulat dito sa dami ng karanasan ko. Minsan nga naalala ko ang mga iyon  at habang lumipas ang mga araw ang mga masasakit na karanasang iyon ay tinatawa ko nalang. Ganito talaga ang buhay ng tao, lahat ng masasakit na pangyayari sa iyong buhay ay tatawanan mo nalang kahit masakit.

 Ako ay simpleng tao lang. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay hindi naman kami mayaman . Lage kami magsasama nuon. Nag tatawanan at nag kukulitan kahit may problemang naranasan, kinakaya namin kahit ano ang unos ang dumating sa buhay namin basta magkasama pa din kami. Sabi pa nga ng mama ko nga “Okay lang na mag dildil kami ng asin basta kumpleto at magkakasama pa din kami.” dahil sa hirap nuon. Bata palang si mama naranasan na niya ang hirap ng buhay noon. Kaya para sa akin siya ang pinaka magaling na mama sa buong mundo, dahil napalaki niya kami ng maayos .

Pero lumipas ang mga ilang taon na masaya lagi ang aking pamilya. Nguni’t ang di namin inaasan-asan ay isang malaki na problema ang darating sa buhay na ganap na susubok sa aming katatagan. 

Ilang buwan ang lumipas bumagsak ang dating masigla na katawan ni lola at nangayayat na ng husto. Ika-apat ng augusto 2014.  Pero hindi namin inaasan-asan na kukunin na pala ng diyos ang aming lola. Sobrang lungot namin ng aking pamilya noon, kasi di naman namin alam na mawawala pala si lola ng araw na yun. At hindi namin alam na yun na pala ang huling araw ng lola namin. Kahit papano nararamdaman namin ang lungot ang sakit na nadanas namin noon. Napaluha nalang ako habang tinitingnan ko si lola na wala ng buhay . Sabi ng lola ko na magpakabait daw ako at hindi ako magpapasaway sa aking pamilya at hindi rin ako magbibigay ng sakit sa ulo sa pamilya ko yan ang sabi ng lola sa akin yung araw na nawala siya.  

Labing anim na ako  (16 yrs old). Nalaman ko walang permanente sa mundo. Lahat tayo ay lilisanin ang mundong ginagalawan natin ngayon. Hindi man tayo sabay-sabay sa ating pag lisan, masakit man, aksidente man o biglang kamatayan ang dahilan. Maikli lang ang buhay. Dahil sa ating pag lisan ay wala tayong materyal na panghahawakan. Masaya man  o malungkot. Ito ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay dahil ang karanasang ito ang ang bubuo sa ating pagkatao.

Comments

Popular posts from this blog

"Mga Hinanakit Sa Buhay"

Painful Experience in Life