"Mga Hinanakit Sa Buhay"
Sa buhay ng tao maraming pagsubok ang dumating, nariyan ang makaranas na labis na kalungkutan, bumagsak sa negosyo. Apihin ng mga tao, laitin ng mmga kapwa, mawalan ng pera, husgahan at ang pinakamasaklap sa lahat ay yong layuan ng mga kaibigan, iniwan ng minamahal, mamatayan sa pamilya, papagalitan ng sariling mga magulang at dedmahin ng malalapit na tao. hindi ba mahirap at masakit kung maranasan mo ang lahat na iyon. Sino nga ba ang matutuwa kung ika'y iniwan o layuan ng mga minamahal. napakahirap, napakasakit, na kakapanlambot ng damdamin. Hindi mo mawari ang dahilan nila, hindi mo maunawaan kung bakit basta basta ka nalang nila nilayuan, samantalang wala ka naman ginagawangn masama. Wala kang ibang magawa kung umiyak at tanungin ang iyong sarili kung bakit nga ba.
Minsan, may mga tao talagang hindi mo mapakiwari ang isipan. Nariyan sila sa iyong tabi ngunit hindi mo maramdaman ang kanilang presensya. Nariyan sila't kinakausap ka ngunit bigla ring mawawala. Ang malupit pa roon ay kung kailan kailangan mo sila, tyaka pa sila mawawala. Makikita mo na lang sila na may kasamang iba, masaya, nag-aaliwan at nagtatawanan. Samantalang, ikaw mag-isa, walang makausap kundi ang tanging isipan lamang.
Sabi niya mahalaga ka sa kanya,hindi ka niya iiwan kahit kailan, pero ang bawat salitang binitawan niya ay tila naging abo na. Napakadali nga namang magsalita, magbitiw ng mga katagang tunay na nakakapagpasaya ng kalooban. Pero sa bawat katagang ito, maaaring masaktan ka kinalaunan.
Madaling magsalita, mangako, pero mahirap patunayan. Bakit pa nga ba kasi nangangako pa kung wala rin namang kasiguraduhan na matutupad ito. Nag paasa ka na nga, nakapasakit ka pa ng damdamin. Mahirap talagang maniwala sa mga taong manloloko, lalo na sa panahon ngayon kapag nakuha nanila ang lahat sayo tsyaka ka pa iiwan at wala na nang pakialam. Kaya hindi dapat maniwala agad sa mga taong hindi pa masyadong kilala at wag lang susuko sa paglaban sa mga pagsubok sa buhay dahil nandyan ang Panginoon handang tulungan tayo.
Kakambal na ng buhay ang mga pagsubok. Sino nga bang tao ang walang problema? Ang mga pagsubok bang aking kinakaharap ay mas syang magiging dahilan ng aking pagsuko o ang magtuturo sa akin kung gaano kaganda at katingkad ang buhay. So maganda ang naisulat mo sa iyong blog✨ keep doing
ReplyDeleteMaganda ang sinulat mo, ito'y nagbigay ng inspirasyon sa lahat na patuloy na lumaban kahit ano mang problema o pagsubok ang dadating. Ito'y dapat harapin ng may tatag sa sarili, kumpyansa sa sarili, determinasyon, may matatag na pananampalataya sa diyos at ang hindi pagsuko. Kahit madapa paman patuloy paring lalaban dahil walang imposible. At lahat naman ng problema ay malalampasan rin natin. Patuloy lang sa buhay😊
ReplyDeleteDasal lang ang kailangan para malampasan mo yan lahat ng mga pagsubok na dumating sa iyong buhay. Kaya napaganda ang iyong isinulat sa iyong Blog dahil maging inspiration ito ng karamihan kung nabasa nila ito����
ReplyDeleteKaya mo yan,wag lang sumoko sa buhay manalig lang sa itaas para ikaw ay tulungan. So maganda talaga ang iyong sinulat dahil maging inspiration ito sa lahat��
ReplyDeleteMaghintay ka lamang malampasan mo rin yan��
ReplyDelete